108 - Pagdating N'ya

Pagdating N'ya upang kunin
Ang mga hiyas N'ya,
Mahahalagang hiyas N'ya'y
Mahal sa Kanya.

REFRAIN

Bituin ang kapara
Ng hiyas ng korona,
Magniningning sa ganda
Hiyas ng putong N'ya.

Ang hiyas ng kaharian
Kanyang titipunin,
Ang lahat ng malilinis
At maniningning.

REFRAIN

Bituin ang kapara
Ng hiyas ng korona,
Magniningning sa ganda
Hiyas ng putong N'ya.

Ang maliliit na batang
Umibig kay Jesus,
Ay siyang mga hiyas na
Mahal N'yang lubos.

REFRAIN

Bituin ang kapara
Ng hiyas ng korona,
Magniningning sa ganda
Hiyas ng putong N'ya.

0:00 0:00